Project RAMDAM Field Simulation, isinagawang muli sa Batangas

Batangas City – Muling isinagawa ng Pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang Project RAMDAM Field Simulation sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Layon ng isinagawang simulation na magkaroon ng maayos na paglilikas, pagmomonitor, pamamahagi ng relief goods at pagtulong sa mga apektadong mamamayan sa oras ng mga sakuna.

Sinimulan ang simulation sa paglilikas ng nasa dalawampu’t limang pamilya mula sa bayan ng San Nicolas at patungo naman sa nakalaang evacuation center sa Barangay Laurel, San Pascual, Batangas.

Isinagawa rin dito ang profiling, pamimigay ng mga relief goods at paghahatid sa mga lumikas sa kanilang pansamantalang tutuluyan.

Naging matagumpay ang naturang simulation sa pakikiisa ng mga Pamahalaang Bayan ng San Nicolas at San Pascual at sa pangunguna ng kani-kanilang mga MSWDO at MDRRMO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *