20 lugar sa Batangas, meron ng libreng Wi-Fi

Batangas City – Nakabitan na ng libreng Wi-Fi ang nasa dalawampung mga lugar sa probinsya ng Batangas.

Naging matagumpay ito sa pamamagitan ng Department of Informations and Communications Technology o DICT- CALABARZON, sa ilalim ng Provision of Internet Connectivity Services.

Kabilang sa mga lugar na nakabitan ng libreng Wi-Fi ang Agoncillo Public Market, Alitagtag Town Plaza, Balete Town Plaza, Cuenca Municipal Hall, Laurel Municipal Hall, Lian Town Plaza, Lobo Municipal Hall, Mataas na kahoy Town Plaza, San Luis Town Plaza, at Santa Teresita Town Plaza.

Gayundin ang Taal Park, Lipa City Sports Academy Event Place, Lipa Plaza Independencia, Tuy Park, Mabini Town Plaza, San Pascual Gymnasium, Tingloy National High School, Plaza Mabini Batangas City, San Andres Isla Verde Barangay Hall, at San Agapito Integrated High School.

Layon ng proyektong ito na magkaroon ng libreng access sa internet ang publiko, kapag sila ay pumupunta sa mga pampublikong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *