RHU San Jose, nagpaalala sa publiko kontra Hypertension ngayong kaliwa’t-kanan ang Christmas Party at handaan

CAMARINES SUR – Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, kaliwa’t-kanan na naman ang mga Christmas Party at handaan, kaya naman muling nagpaalala ang Rural Health Unit ng San Jose sa Partido Area, upang maiwasan ang hypertension bunsod ng pagkain ng mga maalat, matatabang karne at pagkaing may mataas na salt additives.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, pinaalalahanan ni Dr. Arnel Armea ang publiko lalo na ang mga matatanda at dati nang may sakit na maging  maingat pa rin sa pagkain. Bukas naman ang rural health unit ng San Jose para sa mga nais magpakonsulta.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa ni Armea, piliin lamang ang kakainin at siguraduhing may sustansya pa rin ang mga ito, kahit pa may handaan at maraming pagkain ang nasa hapag-kainan.