Hinihikayat ngayon ng bagong talagang Regional Chief ng Regional Highway Patrol Unit ng Bangsamoro Autonomous Region na si PLt. Colonel Christian Dela Cruz ang mga nagnanais na bumili ng second hand na sasakyan na makipag-ugnayan muna sa kanilang tanggapan.
Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni Col. Dela Cruz na ito ay upang maiwasan na magkaroon ng problema sa hinaharap dahil sa biniling sasakyan.
May mga nangyayari kasi minsan na may mga ordinaryong mamamayan na bumibili ng sasakyan na hindi nila alam na peke pala ang naipakita sa kanila na papeles.
Bukas anya ang kanilang opisina 24 oras mula lUnes hanggang linggo maging ang kanilang satellite offices sa island provinces ng rehiyon.