Revilla, pinabababa ang senior age mula 60 sa 56

Isinusulong ngayon ni Senador Bong Revilla ang pagpapa-baba sa legal age para mai-konsiderang isang senior citizen sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1753 – pinaaamiyendahan ang batas kung saan ay ibababa mula 60 years old, papuntang 56 years old ang senior citizen age.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay Revilla, sa ganitong pamamaraan ay mas maagang makukuha ng mga senior citizens ang kanilang benepisyo.

Aniya, habang may oras pa ay dapat mabigyan ng halaga ang mga nakatatanda lalo na’t ang mga kamay daw nila ang humubog sa kung ano man ang magagandang tinatamasa natin sa ngayon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa oras na maisabatas, ang mga 56-year-old Filipino citizens ay makatatangagap na ng 20% discount at exemption sa value added tax sa ilang mga essential services kagaya na lamang ng mga gamot at iba pa.
#