DOH Bicol, ipinaliwanag kung bakit mga bata ang karaniwang nakakakuha ng HFMD

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) Bicol ang dahilan kung bakit ang mga bata o mga mag-aaral ang karaniwang nakakakuha ng hand, foot and mouth diseases (HFMD).

Ayon kay Dr. Jannish E. Alcala-Arellano, infectious disease cluster head, madaling makakuha ng HFMD ang mga mag-aaral dahil mahilig silang humawak sa iba’t ibang uri ng item sa paaralan.

Dahil dito, nagiging prone umano sila sa iba’t ibang uri ng sakit lalo pa’t kung hindi nababantayan nang maayos at hindi nakakapaghugas agad ng mga kamay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Dapat aniyang matutunan ng mga bata, at dapat mabantayan silang mabuti na palaging magsanitize at magdisinfect ng mga kamay upang maiwasan ang pagkakaroon ng HFMD.

Kaya nga isa umano sa kanilang adbokasiya na sa bahay pa lamang ay natuturuan na ang mga bata patungkol sa proper hygiene.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Maliban pa rito, kapag mayroong sakit ang isang mag-aaral ay hindi na dapat na pinapapasok sa mga eskwelahan upang hindi na lumala at hindi na makahawa pa.

Sa ngayon, batay sa pinakahuling ulat mula sa ahensya at sa Albay PHO, mayroon nang 585 na mga kaso ng nasabing sakit sa buong rehiyon ng Bicol.