Revenue collection sa Koronadal, patuloy sa pagtaas

KORONADAL CITY – PATULOY ang pagtaas ng revenue collection sa lungsod ng Koronadal.

Sa report ni City Treasurer Marloun Gumbao, noong taong 2023, kabuuang P124,561,375.06 ang nakolekta ng City Treasurer’s Office o CTO. Mas mataas ng P18,968,287.10 kung ihahambing noong taong 2022 kung saan nagtala sila ng P105,593,087.06 na koleksyon.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Maliban sa real property tax, nagtala rin ang CTO ng pagtaas sa koleksyon ng tax on business at iba pang mga buwis. Ayon kay Gumbao, asahan ang mas mataas pa na koleksyon sa susunod na mga taon. Dagdag ni City Mayor Eliordo U. Ogena na ang pagtaas ng koleksyon ay indikasyon ng pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says