Resupply mission ng BFAR sa mga mangingisda sa Iroqouis Reef sa WPS, matagumpay

Matagumpay ang naging resupply mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Iroqouis o Rozul Reef sa West Philippine Sea.

Sa inilabas na pahayag ng BFAR, nakapaghatid ng pagkain, gasolina at iba pang provisions ang BRP Datu Sanday nitong Feb 5 sa 16 na bangkang pangisda na nakadaong sa paligid ng bahura.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Wala umanong Chinese vessels ang naobserbahan sa panahon ng resupply mission.

Sa nakaraang resupply mission, naobserbahan ng BFAR ang humigit-kumulang 30 Chinese vessels kabilang maritime militia vessels, sa Iroqouis Reef.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Maaalalang naging flawless din ang isinagawang resupply mission ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.