Resulta ng confirmatory test ng apat na PUJ Drivers na nagpostibo sa random drug testing hinihintay ng transport group

Hinihntay pa ng transport group ang resulta ng confirmatory test ng apat na driver ng public utility jeepney sa Olongapo na nagpositibo sa inisyal na random drug testing ng Land Transportation Office nakaraang Martes.

Ayon kay Olongapo Subic Castillejos San Marcelino Transport Service and Multi-Purpose Cooperative Chairman Reynaldo Juanillo, apat sa kanilang driver ang nagpositibo sa naunang pagsusuri at isinalang sa confirmatory test.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kaugnay nito, naka-hold muna aniya ang lisensya ng apat at hindi pa pinapayagang bumalik sa pagmamaneho hanggat walang resulta ang confirmatory test.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sakali namang magpositibo dito ay hindi pa rin makakabalik sa pagmamaneho dahil sususpendehin ang lisensya at kinakailangang sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text