Mandatory vaccination sa mga guro, inalmahan ng Commission on Human Rights; DepEd Naga kinansela na ang unang memo

NAGA CITY—Inalmahan ng Commission on Human Rights ang ipinalabas na Memorandum Order ng Naga City Schools Division Office kaugnay sa pagsasailalim sa mga teaching at non-teaching personnel sa mandatory vaccination.

Sa ipinadalang sulat ni Atty. Donah Federico-Madrona, Officer-In-Charge ng CHR Bicol, sinabi nitong humingi ng tulong sa kanilang tanggapan si Education Program Supervisor Eduardo Laureles at marami pang public school teachers dahil umano sa MO No. 394 series of 2021 o sapilitang pagpapabakuna na naka-angkla umano sa IATF Resolution no. 148-B na may petsang November 11, 2021.

Dagdag pa ng opisyal, may nakita silang iregularidad sa naturang kautusan ng DepEd Naga dahil noong November 25, 2021 nagpalabas si DepEd Sec. Leonor Briones ng Memorandum Order no. 082, kaugnay sa Bayanihan Bakunahan National Covid-19 Vaccination Days, kung saan hinihikayat ang kanilang mga personahe, mga magulang at mga mag-aaral na magpabakuna pero hindi sapilitan o mandatorily.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Unconstitutional din aniya ang IATF Resolution 148-B dahil nalalabag nito ang Section 12 ng RA 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na nagsasabing, hindi maaaring gamitin mandatory requirement ang vaccination card para sa educational, employment at iba pang kahalintulad na transaksyon sa Gobyerno.

Dahil dito, pinapabawi ng CHR ang inilabas na Memorandum Order ng DepEd Naga at payagan ang kanilang mga Guro na i-exercise ang kanilang karapatan na mabuhay sa paniniwalang ang pagpapabakuna ay maaaring maglagay sa kanila sa peligro.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Manny De Guzman, Schools Division Superintendent ng Naga kinumpirma nagpalabas na siya ng advisory na sinususpinde ang Division Memorandum No. 394.

HINDI mandatory/ required / sapilitan ang pagpapabakuna laban sa COVID-19  para sa mga teaching and non-teaching staff ng DepEd Naga.

Ang mga guro na sasalang sa limited face-to-face classes ay silang dapat na bakunado.

No description available.