Restoration sa mga cultural heritage sites na nasira ng magnitude 7.0 na lindol pinamamadali

Pinamamadali ni Senador Christopher Bong Go sa pamahalaan ang pagsasa-ayos ng mga nasirang cultural heritage sites at national landmarks matapos magnitude 7.0 na lindol na yumanig sa Nothern Luzon.

Kasama si Sen, Robinhood Padilla inihain niyo ang Senate Resolution No. 86 na humihiling sa pamahalaan na agad na gumawa ng hakbang upang maisaayos ang naturang mga lugar.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ayon kay Go na sa kanilang pagbisita sa mga lugar na tinamaan ng lindol tumambad kaagd sa kanila ang mga sirang building, bahay at mga linya ng kuryente.

Kabilang umano sa mga personal nilang nakitang may sira ay ang Vigan Cathedral at ilang century-old ancestral na mga bahay at gusali sa mga heritage sites sa Vigan, Ilocos Sur.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Nakasaad sa inihaing resolusyon na ang naturang mga historical sites ay isa umanong paalala para sa isang mahalagang panahon ng ating kultura.