Binigyang diin ng Department of Health na hindi na kailangan na magtatag ng task force na magmo-monitor at tutugon sa monkeypox situation sa Pilipinas.
Paliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, mayroon namang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na siyang hahawak sa monkeypox virus, bilang ito umano ay binuo lalo na para sa emerging at reemerging diseases.
Ibig sabihin, ang IATF ay hindi lang nakatutok sa COVID-19, kundi pwede rin sa lahat ng emerging at reemerging diseases.
Sa ngayon, nire-reconstitute ng DOH ang mga member agencies ng IATF kung saan isasama lang ang may relevant at intended functions.
Ang pahayag ni Vergeire ay senegundahan naman ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, at sinabing ang isa pang task force ay hindi na mahalaga, dahil naglabas naman na ang DOH ng kanilang guidelines laban sa monkeypox.
