Nagmulta ng 2,664 Australian dollars o mahigit 102,000 pesos ang isang pasahero dahil sa baong burger habang nasa airport sa Australia.
Ayon sa report ng CNN, ang hindi pinangalanang pasahero na mula sa Bali, Indonesia ay may dalang egg and beef sausage McMuffins at ham croissant na nakalagay sa kanilang luggage.
Na-detect ito ng biosecurity detector dog na si ‘Zinta’ habang iniinspeksyon ang kanilang luggage sa arrival area sa Darwin Airport.
Nabatid na mahigpit ngayon ang biosecurity rules sa Australia matapos ang Foot and Mouth disease (FMD) outbreak sa Bali, Indonesia.
Ang Bali ay kilalang tourist destination ng mga Australian tourists.