Restoration at Clearing Operation ng Naga City SWMO, maaari pang abutin ng isang buwan

NAGA CITY – Nananawagan na ang Naga City Solid Waste Management Office sa mga residente lalo na sa mga barangay opisyal na tumulong na sa nagpapatuloy na restoration at clearing operation sa lungsod.

Ayon kay Engr. Joel Martin, Head ng CSWMO, naging problema ang pabalik-balik na pagtatambak ng mga residente o negosyante lalo na sa kasentruhan, dahil pagkatapos malinisan, sa pagbalik nila, may mga nakatambak na muling basurang dulot ng Bagyong Kristine na maaari pang abutin ng tatlong Linggo o isang buwan bago tuluyang maging 100% na malinis ang lungsod, lalo na’t aminado naman ang opisyal na hindi nila kakayanin na sila lamang. Pasalamat din aniya sa mga pribadong kompanya, Local Government ng Sorsogon at Sipocot, at iba pa na naging katuwang nila. Isa pa, apat lamang na dump truck ang nagagamit, mabuti na rin at nakahiram ng mga heavy equipment.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kung sa porsyento ng clearing operation, hindi pa nangangalahati dahil marami pa ang dapat linisan kasama na ang mga nasa barangay, halos simula ng bagyo umaabot na ng 380 hanggang 400 toneladang basura araw-araw ang nahahakot ng opisina.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dagdag pa ng opisyal, lahat ay apektado, lalo na’t hindi na lamang basta basura kundi, amo’y na amo’y ang mabahong umaalingasaw na hindi na lamang sa kasentruhan maging sa mga bara-barangay na kailangan nila ang kooperasyon ng bawat residente.