Responsible parenthood at family planning Orientation, isinagawa ng CPD Region 2

Nilahukan ng 40 na mag-asawa at indibidwal ang isinagawang Responsible Parenthood and Family Planning Orientation ngayong araw ng Commission on Population and Development Region 2 sa Barangay Digumased, Dinapigue, Isabela.

Ang nasabing mga indibidwal ay kabilang sa mga indigeneous groups sa lugar kung saan ang isinagawang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng 2024 World Population Day.

Ipinunto ni CPD Director Theresa Soriano ang kahalagahan ng pangangalap ng datos bilang basehan sa mga isasagawang programa at proyekto upang matugunan ang mga isyu sa populasyon.

Sa nasabing aktibidad ay napag-alaman na karamihan sa mga partisipante ay mayroong isa hanggang dalawang anak at kalahati sa mga ito ay gumagamit ng modern family methods tulad ng pills, progestin subdermal implant at injectables.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *