Apat katao kabilang ang 2 dayuhan – nahaharap sa kaso dahil sa iligal na pagdetine sa isang Malaysian national

Nahaharap ngayon sa kasong grave coercion ang dalawang dayuhan at dalawang Pinoy dahil sa iligal na pagdetine sa isang Malaysian national sa Bgy. tambo, ParaƱaque City.

Naganap ang insidente sa Royal Peak Plaza, kung saan agad na rumesponde ang mga pulis para tugisin ang mga suspek.

Batay sa imbestigasyon,nagpunta ang biktima sa lugar para kunin ang kanyang passport matapos mag resign sa kanyang trabaho.

Ngunit isa sa suspek ay kinuha ang kanyang cellphone at nag-demand ng P800,000 para ibigay ang kanyang pasaporte at kanyang kalayaan.

Matapos nito, kinontak ang live-in partner ng biktima para ibalik ang ilang gamit kapalit ng kalayaan ng biktima.

Doon na nagreport sa pulisya ang live-in partner hanggang sa masagip ang biktima at maaresto ang mga suspek. (BRIGADA INTERN – KHEN ALIX)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *