Isinagawa ng DENR-Mines and Geosciences Bureau Regional Field Office 2 ang forum para sa responsableng pagmimina sa Lambak ng Cagayan ngayong araw, March 24, 2021.
Pinangunahan ng Mines Geosciences and Bureau kasama ang kanilang mga Division na kinabibilangan ng Mine Safety, Environment and Social Development Division (MSESDD) at Mining Tenements Management Division.
Kabilang pa sa mga dumalo ang ilang LGU sa rehiyon, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga kawani ng Mining Companies, Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) at mga Non-Governmental Organization.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga polisiya para sa tama at responsableng pagmimina.
Ilan dito ay ang nakapaloob sa DAO 2021-40 o Lifting Ban on Open Pit Mining, Revised Guidelines in Offshore Mining, Memorandum Order No. 2022-001 at Rehabilitation and Decommissioning of Open Pit mining sa bansa.
Ipinunto ni Ms. Ana Cabatbat ang Chief ng Planning, Information, System and Management Unit ng EMB RFO2 na kinakailangang sundin ng mining companies ang mga requirement alinsunod sa batas upang magkaroon ng permit.
Nilinaw din nito na bagaman mayroon ECC na ang isang mining company ay hindi pa rin ito maaaring mag-operate kung walang permit mula sa LGU at MGB.