Response team services sa Legazpi City, Albay, mas paiigtingin dahil sa pagdami ng tao sa lunsod – PSO head

LEGAZPI CITY – Mas palalakasin pa ang pagpapaigting ng mga serbisyo ng mga response team sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay, ayon kay Public Safety Office (PSO).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa head ng naturang opisina na si Rolly Esguerra, dahilan ng pagpapaigting ay ang pagdami ng mga taong pumupunta lunsod, lalo na’t unti-unti nang nakakaahon mula sa pandemya.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, kinakailangan talaga ang serbisyo-publiko dahil bumabalik na ang face-to-face na klase sa mga paaralan maging sa mga opisina, kung kaya inaasahan na dahil dito ay maraming mangangailangan ng gayong serbisyo.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Samantala, inihayag naman ni Esguerra na walang pagbabago mula noong nakaraang administrasyon hanggang sa kasalukuyan lalo na pagdating sa mga serbisyo-publiko dahil ito ang pinaka-mas pinag-iigting sa ngayon.