Resort na itinayo sa paanan ng chocolate hills walang environmental permit – DENR

Giniit ng Department of Environment and Natural Resources na walang environment complaint certificate ang Captain’s Peak Resort na itinayo sa paanan ng chocolate hills.

Itinuturing na isang national geological monument and protected area sa bisa ng proclamation 1037 ang bohol

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Layunin ng proclamation na protektahan at pangalagaan ang environmental integrity ng Chocolate hills.

Sinabi ng DENR na noong nakaraang taon pa nag-isyu na sila ng closure order para sa resort.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Enero naman ngayong taon nag-isyu rin ng violation ang kagawaran dahil sa pag-ooperate ng Captain’s Peak ng walang ECC.

Samantala, nanawagan naman ang ilang mambabatas na pag-aralan ang ilan sa mga malabong patakaran ng DENR sa pag-develop ng mga protected area.