CHED De Vera, ineraklamo ng grave abuse of authority at korapsyon sa Ombudsman

Naghain ng reklamong graft and corruption at grave abuse of authority si CHED Commissioner Aldrin Darilag laban kay CHED Chairman Prospero De Vera III.

Base sa inihaing complaint-affidavit ni Darilag, inakusahan nito si De Vera ng pagpabor sa isang supplier.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ayon kay Darilag na mismong siya ay inutusan din ni De Vera na suportahan ang kumpanyang ASPEN kahit hindi kwalipikado bilang supplier ng CHED.

Inakusahan din Darilag ng grave abuse of authority, harassment at oppression si De Vera matapos na hindi ito magbigay ng due process nang mapatawan siya ng 90 araw preventive suspension ng Office of the President.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Hindi rin umano nagbigay si De Vera ng kopya ng complaint at hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapaghain ng counter-affidavit.