Resolution of Commendation sa mga tumulong sa paghanap sa 13-anyos na dalagita  sa Pili, Camarines Sur ipinasa  sa konseho

CAMARINES SUR- Ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Pili, Camarines Sur ang resolusyon na nagbibigay ng komendasyon sa lahat ng mga tumulong sa paghahanap sa 13 anyos na dalagita na isinilid sa sako na nakuha sa Barangay San Jose ng nasabing bayan. 

Sa pahayag ni Vice Mayor Francis Belen sa Brigada News FM Naga sinabi ito ay bilang pagkilala rin sa tapang at hindi pag-alangan ng mga taong tumulong upang mahanap agad ang salarin sa pagpatay sa dalaga. Mababatid na Nobyembre 4 nang mawala ang biktima at Nobyembre 5 na nang matagpuan ng mismong ama sa may ilog ang bangkay ng anak na nakasilid na sa sako. 

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu
Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay pa nito, patuloy ang pagsugpo sa mga may masamang gawain ng LGU Pili kasama ang pulisya at mga tanod. Matatandaan din na noong nakaraang taon lamang nang mangyari ang pagpaslang kay Irish Payonga kung kaya’t hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganitong krimen sa nasabing bayan.