PCG, tiniyak na pananagutin ang kumpanyang sanhi ng chemical spill sa dagat ng Batangas

Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na papatawan ng multa ang kumpanyang naging sanhi ng tumatagas na kemikal sa ilang bahagi ng karagatan sa Batangas.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng PCG ang posibleng paglabag ng kumpanya na naging dahilan ng chemical spill.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon sa PCG, pinadalhan na ng inspection report ang naturang kumpanya na responsable sa pagtagas ng kemikal.

Batay sa pagsisiyasat nasa dalawang drum ng Solvent Naptha LS 100, isang additive sa pintura at thinner products mula sa isang storage facility sa Bauan, Batangas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kapag napatunayan na mayroong paglabag ang naturang kumpanya ay posibleng patawan ito ng administrative fee ng mula P1k hanggang kalahating milyong piso bawat araw ng paglabag nito.