Dream mo ba makapag retire nang maaga?
Ibahin mo itong isang dalaga na hindi pa man nagsisimula sa work life, ay pwede nang magpahinga!
Maaga naging milyonarya ang isang Gen Z mula sa Pasig City, matapos mapalanunan ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito ay may halagang tumataginting na PHP42,900,615.40.
Ayon sa PCSO, simula pa lamang 20 years old ito lagi nang tumataya ang dalaga.
Nagsimula raw ito mula sa “utos” ng kanyang ina, hanggang sa pati na rin siya ay napataya na rin sa lotto.
Ani ng nanalo, tuwang tuwa ang kanyang ina dahil natupad na sa wakas ang kanilang pangarap.
Siniguro naman nito na magiging savings niya muna ang napalanunan dahil marami pa raw itong haharapin.