Resolusyong naglalayong imbestigahan ang naging operasyon ng PNP sa loob ng KOJC, ihahain sa Senado

Pinasisiyasat ni Senador Robin Padilla sa Senado ang kamakailang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ito ay matapos ang kamakailang pagtungo ng mahigit isangdaang pulis mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Special Action Force at iba pang unit ng PNP sa nasabing compound.

Alinsunod nito, maghahain umano si Padilla ng resolusyon na naglalayong imbestigahan kung may naging paglabag ang PNP sa karapatang pantao.

Anya, isa kase sa layunin ng PNP ang tiyaking protektahan ang karapatang pantao sa bawat galaw nila.

Maliban pa roon, nais niyang pahawakan ang ihahain niyang resolusyon sa nararapat na komite ng Senado upang magarantisa na magiging ‘in aid of legislation’ ang pagtalakay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *