Resolusyon para imbestigahan ang kaso ni Catherine Camilon, nakahain na sa Senado

Binigyang-diin ni Senador Raffy Tulfo na patuloy ang pagsipa ng bilang ng mga kaso ng mga pulis na nasasangkot sa mga karumal-dumal na krimen sa nakalipas na buwan.

Isa na rito ang kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Kaugnay nito, inihain na sa Senado ni Tulfo ang Resolution No. 913 na naglalayong imbestigahan ang nangyaring pagkawala ni Camilon.

Dagdag pa niya, maganda rin kung magkaroon muli ng pagsusuri sa screening process ng mga police officers at maging sa retention assessment ng mga kapulisang aktibo sa kanilang trabaho.

Maalala, noong Nobyembre, kinumpirma ng awtoridad na ang buhok at dugo nga ni Camilon ang nakita sa pulang sasakyan na di umano’y pinaglipatan kay Camilon noong gabing nawala siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *