Pamahalaan, pag-aaralan ang paggamit ng solar powered irrigation

Patuloy ang pag-iisip ng paraan ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka.

Sa ceremonial palay harvesting sa Candaba, Pampanga, inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na susubukan ng pamahalaan ang pag gamit ng solar-powered irrigation sa mga sakahan.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Isa itong small-scale irrigation projects na nakikitang makakapag pataas sa produksyon at kita ng mga magsasaka.

Ayon sa Pangulo, ang isang unit nito ay kayang makapagpatubig ng dalawampung ektarya.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Maglalagay ng libo-libong unit sa iba’t ibang panig ng bansa, pero sa ngayon ay pinag uusapan pa kung saan kukuha ng budget para dito.