Patutsadahan sa pagitan ni PRRD at PBBM, makasisira sa ekonomiya – senadora

Naniniwala si Senador Cynthia Villar na maaring makasira sa ekonomiya ng bansa ang patutsadahan sa pagitan nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay matapos tawagin ni PRRD si PBBM na drug addict at kasama sa listahan ng drug personalities ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siya namang agad na pinabulaanan ng Pangulo.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Ayon kay Villar, kung makikita kase ng ilang investors ang bweltahan ng dalawa ay maaring hindi na mag-invest ang mga ito.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Maaala, matapos ang paratang ni PRRD kay PBBM ay agad naman ding inanunsyo ng PDEA na hindi kasama sa watchlist nila ang Pangulo.