CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office na hindi na muna tatanggap ng mga pasyenteng may COVID- 19 ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Sa isang pahayag na inilabas ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, sinabi nito na lumagpas na sa full capacity ang isolation wards para sa COVID- 19 kaya’t hindi na kakayanin pang tumanggap ng pasyente.
Dahil dito, epektibo simula ngayong araw ng Martes, September 7, 2021 ay pansamantalang hindi muna tatanggap ng COVID patients ang CNPH at lilimitahan lang din ang pagtanggap ng non- COVID medical cases.
Isasailalim din sa serye ng disinfection at decontamination ang mga wards at iba pang pasilidad nito kaya’t asahan din umano ang temporary closure sa ilang lugar sa ospital.
Umapela rin si Francisco sa mga Local Government Units sa lalawigan ng Camarines Norte na paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health standards sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapakita ng halimbawa ng pagsunod sa health protocols.
Dapat din umanong mag- set up pa ng Quarantine at isolation facilities sa bawat munisipyo upang ma- accommodate ang mga indibidwal na mayroong mild symptoms o asymptomatic at step down management para sa mga stable nang COVID cases sa CNPH na naghihintay na lang ng completion ng isolation days.
Sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Francisco na magtatayo na rin ng mga tents sa labas ng ospital para sa mga magpopositibo sa Rapid Antigen test na kailangang i- admit.


Mayroon din umanong One Hospital Command Center ang lalawigan kung saan pwedeng i- refer sa mga private hospital ang pasyenteng kailangan ng admission.
At kung hindi pa rin kakayanin ay pwede rin umanong mag- refer ang probinsiya sa ibang referral hospital sa labas ng lalawigan.
“Hindi siya bumababa, ang ating Provincial Hospital ay unti- unting napupuno for that few days until kahapon, talagang punong- puno na ang ating hospital particularly dun sa ating COVID ward, so hindi na tayong mag accommodate ng mga covid patients natin sapagkat sobra na pong puno yung ating 46 na dedicated hospital beds para sa COVIDS ay napuno na po at nag excess na po tayo dun,” ani Francisco.
“Kung hinding- hindi tlaga dito sa atin at wala nang kakayanan talagang mag admit, pwede rin nating i refer sa ating mga pasyente sa ibang province so kahapon nga nakapagpadala yata kami ng isa sa Legazpi so yan naman ay depende sa pagre- refer natin at kapag maayos ang pagri- refer natin ng pasyente through doctors to doctors referral, siguro naman maintindihan nung mga end referral hospital natin. Walang kaparaanan na hindi tayo tanggapin kung talagang mayrong necessity.”
