Rescue team ng iba’t ibang bansa, agad na ipinadala sa Turkey

Mabilis na nagpadala ng kani-kanilang rescue team ang iba’t ibang bansa para makatulong sa search and rescue operation sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Kabilang sa mga ipinadalang grupo ang mga bombero, medics, equipment at mga specially trained na aso.

Ilan sa mga unang nagpadala ng rescue team ang Germany na ipinadala ang kanilang International Search and Rescue, Swiss rescuers at service dogs, Hungary HUNOR rescue team at Greek rescue team.

Matatandaan na umabot na sa 3,500 ang death toll sa lindol sa Turkey habang aminado ang mga otoridad na inaasahan na nilang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil hindi pa tapos ang search at rescue operation sa mga istruktura na sinira ng lindol. (INDIAN PRESS PHOTO)