CAMARINES NORTE- Bumagsak ang deworming accomplishment ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa ikalawang round noong 2022.
Sa kabuuan 40 percent ang naging accomplishment ng naturang bayan na mababang masyado kumpara sa unang round.
Sa 1- 4 year old nasa 1, 503 lang ang na deworm sa target na 5, 257 o 29 percent.
Sa 5- 9 year old 2, 849 ang na deworm sa target na 6, 156 o 46 percent.
Habang sa 10- 19 year old ay nasa 4, 747 lang ang na deworm sa target na 11, 211 o 42 percent.
Sa kabuuan nasa 9,099 ang ang na deworm sa 22, 624 na target o 40 percent sa 1- 19 year old.
Noong unang round ay nasa 86 percent ang accomplishment ng naturang bayan
Sa target na 5, 257 nasa 3, 759 ang na deworm o 72 percent.
Lumagpas naman sa target sa 5- 9 years old na nakapag deworm ng 6, 246 sa target na 6, 156 o 101 percent.
Pagdating naman sa 10- 19 years old nasa 9, 478 ang na deworm sa target na 11, 211.
Sa kabuuan 9, 880 ang na de worm sa edad 1- 19 years old sa target na 11, 497.
Ginagawa ng deworming dalawang beses kada taon.
