Pinagsusumikapan umano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na masaklolohan ang ilan pang Palaweño na hanggang ngayon ay nasa Bangi sa bansang Malaysia ngayon.
Ayon kay Board Member Ryan D. Maminta, sanib pwersa ang Provincial Government at ang mga ahensya at law enforcement unit’s para mai-rescue ang mga Palaweño doon na naghihirap.
Nakumpirma ng lokal na mambabatas sa mga pamilya ng mga Palaweño na naroon sa Malaysia ang kanilang totoong kalagayan na ang iba ay nagkakasakit subalit nagtatrabaho pa rin.
Ang mga ito raw ay malinaw na biktima ng human trafficking at illegal recruitment kaya dapat magkaroon rin ng case build up upang tuluyan na aniya itong masawata o matigil.
Dahil umano kasi sa paghahangad ng magandang buhay ay kumakagat sa pain ng mga “ordanisadong” illegal recruitment agency ang ating mga kababayan.
Samantala, patuloy na ipinananawagan ni Board Member Maminta at Kapitolyo sa mga Palaweño na dumaan sa tamang proseso upang makasiguro sa papasukang trabaho lalo sa ibang mga bansa.