Representante na walang alam sa teknikal, huwag ipadala sa sesyon – SP

SORSOGON CITY – Maagang nagpaalala ang konseho ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon sa Sorsogon Electric Cooperative II (Soreco Dos) na huwag magpadala sa sesyon ng kanilang representante na walang alam sa technical issues.

Ayon kasi sa mga Konsehal, makailang beses na nangyari na may ipinapadala ang nasabing kooperatiba ng kuryente ng kanilang representante, subalit walang alam ito sa usaping teknikal, kung kaya’t walan naisasagot sa kanilang mga tanong.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nasasayang lang umano ang kanilang imbetasyon at oras sa sesyon.

Aniya, kung muling ipapatawag ang Kooperatiba ay alam dapat ng representante ang lahat ng concerns at isues na nais malaman ng Konseho lalo na ang usaping teknikal.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mababatid na muling ipapatawag ng Konseho ang nasabing Kooperatiba dahil sa ‘patay-sindi’ na kuryente na inirereklamo na ng mga miyembro ng kooperatiba.

Maliban sa Soreco Dos ay kasama rin na ipapatawag ang National Grid Corporation of the Phils (NGCP).