Makati, pinasara pansamantala ang Berjaya Hotel dahil sa quarantine breach

Inutos ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang pagpapasara sa Berjaya Hotel matapos nitong payagan umano ang isang returning overseas Filipino na takasan ang mandatory quarantine nito para umattend sa ilang pagtitipon.

Ito ay matapos suspendihin ng Department of Tourism ang multi-use accreditation ng 3-star hotel dahil sa quarantine breach na kinasangkutan ni Gwyneth Chua.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ng Makati Business Permits and Licensing Office (BPLO) na base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force ay tanging ang mga accredited hotels lamang ang pwedeng mag-operate.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Mababatid na sinabi ng DOT na inamin ng hotel na umalis si Chua mula sa kwarto nito, 15 minuto matapos nitong mag-check in.

Matatandaan na pinagmulta rin ng P13,300 ang hotel dahil sa paglabag sa health protocols.