Rep. Teves, humiling na makausap si Pangulong Marcos

Humiling si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.  na makausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang facebook video message, hiniling ni Teves na makausap ang Pangulo upang maipaliwanag ang kanyang panig sa mga issue na kanyang kinasasangkutan.

Read More:  Focus crimes drop 29.75% nationwide in third quarter – PNP

Nilinaw din ng mambabatas na ang kanyang ipapaliwanag ay walang kinalaman sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo.

Una na niyang sinabi na ang plano sa kanya ay may kinalaman naman sa online sabong.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine

Tumangging umuwi ang kongresista dahil sa takot aniya sa kanyang buhay, na sinasabing may ilang personalidad sa gobyerno ang nago-operate laban sa kanya.

Ngunit sa kanyang huling mensahe, inamin nito na magiging mas mahirap na tanggihan ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr., na bumalik na siya ng Pilipinas.//CA