Rep. Lagman – binanatan ang mga ‘ipokrito’ sa divorce bill

Tinawag naman ni Albay Rep. Edcel lagman na ‘religous hypocrisy’ ang ginawang pagtutol ng Couples for Christ (CFC) sa isinusulong niyang absolute divorce bill.

Sabi ng mambabatas – dapat na raw tigilan ng CFC ang kanilang pagkontra sa panukala.

Aniya, hindi dahilan ang kahinaan ng isang tao para hindi i-enact ang batas at ayusin ang mga sirang pagsasama ng mag-asawa.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Aniya, kaya nga dahil sa kahinaan ng tao nagkakaroon ng mga panga-abuso, pananakit, paga-abanduna, at iba pang pagkasira sa kasal na hindi na maaayos-ayos pa.

Muli niyang idiniin na ang kakulangan sa diboysyo ang siyang pumipigil sa karapatan ng mga naaaping ka-partner mula sa isang mapang-abusong relasyon.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Maaalalang na-transmit na sa Senado ang House version ng bill.

Sa kabila ng pagiging malaming dito ni Senate President Chiz Escudero – umaasa si Lagman na mapakikinggan pa rin nito ang totong layunin ng diborsyo.

Mababatid na natatangi ang Pilipinas, kasama ang Vatican City, sa mga bansa sa buong mundo na wala pa ring divorce.