Pahayag ni ES Bersamin ukol sa Ayungin Shoal incident, naaayon sa nat’l policy – maritime law expert

Naniniwala ang isang maritime law expert na ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin ukol sa pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal ay patunay ng commitment ng pamahalaan na protektahan ang kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea (WPS).

Naaayon din daw ito sa constitutional renunciation of war o pagtanggi ng bansa sa digmaan bilang instrumento ng national policy.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Una na kasing sinabi ni Bersamin na ‘di pa nila maituturing na ‘armed attack’ ang nangyari sa WPS kung saan ay naputulan pa ng daliri ang isang Pilipino dahil sa China.

Sinabi ni Prof. Jay Batongbacal, ang Director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na mahalagang iwasan ang digmaan sa gitna ng tensiyon sa rehiyon.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Giit ni Batongbacal, mayroong mandato sa ilalim ng Saligang Batas ang unang hakbang aniya ay palaging maghanap ng mapayapang diplomatikong solusyon.

Anya, ang ‘minor’ na girian ay hindi maaaring maging dahilan upang magdeklara ng digmaan.

Matatandaang inilarawan ni Bersamin ang insidente na maaaring resulta lang ng “misunderstanding” o aksidente.