Hinatulan ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong sina ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, at dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo.
Ito’y may kinalaman sa issue ng ‘di umano’y paglalagay sa panganib ng ilang menor de edad noong 2018.
Sa naging desisyon ng Tagum Regional Trial Court Branch 2 – guilty sina Castro, Ocampo, at 11 iba pa sa paglabag sa Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Hinggil ito sa mga reklamong isinampa sa kanila dahil sa ‘di umano’y pagtatago sa 17 mga menor de edad sa Talaingod sa Davao del Norte.
Maliban sa dal’wa, convicted din ang walong teachers ng Salugpungan Ta ‘Tanu Igkanogon Community Learning Center and the Community Technical College of Southeastern Mindanao, at dalawa mula Alliance of Concerned Teachers.
Sa hiwalay na pahayag – tinawag na ‘unaceptable and unjust’ nina Ocampo at Castro ang naging desisyon ng Korte.
Anila – ito’y isang ‘wrongful conviction’ at isang ‘persecution’ sa mga tumutulong at naga-advocate sa karapatan ng mga Lumad.