Magsasaka, patay matapos makuryente sa Sariaya, Quezon

Wala ng buhay nang matagpuan ng kanyang pamangkin ang isang 65-anyos na lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Janagdong 1, Sariaya, Quezon nitong Biyernes, Hulyo 12.

Ayon sa report, bandang alas-7;30 ng umaga umano nang matagpuan ang biktima habang may hawak itong live electric cable sa kaliwang kamay.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Napag-alaman na pasado alas-11;00 ng umaga noong Hulyo 11, nanghiram umabo ng pliers ang nasawi sa kanyang kapatid upang ayusin ang linya ng kuryente.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagtamo ng mga paso sa likod at kaliwang kamay ang biktima.

Samantala, nasa pangangalaga na ng pamilya ang labi ng biktima.