Dalawa katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Southwest Monsoon sa Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang mga ito ay mula sa Region 10 o Northern Mindanao at Region 11 o Davao region.
Isa ang kumpirmado habang ang 1 ay patuloy na bina-validiate.
Habang 2 ang injured at 1 ang missing mula rin sa Region 10.
Samantala, mahigit 17 libo katao ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers sa limang rehiyon sa Mindanao
Ang mga apektado ay mula sa regions 9,10,11,12 at BARMM.
Samantala, 21 kalasda at 2 tulay ngayon sa Mindanao ang nananatiling hindi passable sa mga motorista.