Naniniwala si representative France Castro na may lamat na ang Uniteam kasunod ng pagkakatanggal kay Congresswomen Gloria Macapagal-Arroyo bilang Deputy Speaker ng Kamara.
Pero paniwala naman si representative Joey Salceda na solid pa rin ang UniTeam.
Wala rin aniya nakikitang hatian ng alyansa sa Kamara ang majority leader.
Sinabi naman ni representative Manuel Dalipe na walang kinalaman ang presidential elections sa nangyayari bangayan sa Kamara.
