Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Setyembre .
Base sa tala ng Philippine Statistic Authority tumaas ng 4.5% ang unemployment rate sa buwan ng Setyempre kumpara sa mga nakalipas na buwan.
Sumatotal nasa 2.26 milyong mga Pilipino ang walang trabaho sa bansa.
Ayon sa PSA, nakaapekto ang sama ng panahon sa industriya ng agrikultura na may pinakamaraming nabawas na trabaho noong Setyembre, pumangalawa naman dito ang fishing and aquaculture Industry, sinundan ng construction at manufacturing.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa tumaas naman ang nagkaroon ng full time na trabaho kaya bumaba ang under employment rate ng 10.7% o katumbas ng 5.11 milyon.
