Comelec muling nagpaalala sa mga kumandidato sa nakaraang BSKE na mag file ng SOCE

CAMARINES NORTE – Mahigit isang linggo pagkatapos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kumandidato nanalo man o natalo na maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves ang mga kandidato ay dapat maghain ng kanilang SOCE sa Office of the Election Officer bago o sa Nobyembre 29, 2023, o hindi lalampas sa isang buwan pagkatapos ng araw ng halalan.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sigurado umanong ma- aacomodate na ngayon ang mga kumandidato dahil natapos na rin ang pag asikaso ng mga Comelec Offices sa honorarium ng mga guro.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Nagpasalamat din si Nieves sa mga guro at non- teaching personnel na nag silbi sa katatapos lang na BSKE.