Rep. Along Malapitan, binigyang diin ang commitment ni VP bet Sara sa pagseserbisyo

Inendorso ni Representative Dale “Along” Malapitan si Vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte, at sinabing maipapatupad nito ang malaking pagbabago sa pamamagitan ng kanyang “utmost dedication at commitment” na magsilbi.

Mababatid na pinangunahan ni Duterte, kasama si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan at Rep. Malapitan ang ribbon-cutting ceremony para sa Uniteam Caloocan Volunteers headquarters.

“Ang pag-inaugurate po ng ating headquarters dito sa Camarin, Caloocan ay isang tanda na ang Uniteam ay may tahanan dito sa ating lungsod. Sama-sama nating ipakita na ang nais natin ay pagkakaisa na mabibigay sa atin at ganon din sa buong bansa,” saad ni Rep. Malapitan.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Kaugnay nito, tiniyak nito na susuportahan ng Team Aksyon at Malasakit ng Caloocan si Duterte at ang buong Uniteam slate ngayong nalalapit na halalan.

“Sama-sama tayo na ipakita natin na ang Caloocan ay nagkakaisa para sa pagbabago,” dagdag ni Malapitan. 

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Samantala, sa kanyang talumpati, binigyang diin ng vice presidential bet ang “unity at continuity,” ang campaign battle cry ng BBM-Sara tandem.

“Ang gusto natin sa Pilipinas at sa buong mundo ay pagkakaisa at mapayapang pamumuhay sa ating bansa,” giit ni Duterte.

“Ang mga reporma na nagawa ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte, katulad ng ‘Build, Build, Build’ at ang mga programa kontra kriminalidad, ay aming ipagpapatuloy para sa kapayapaan ng bansa,” dagdag ng VP aspirant.