Remulla: Rule of law umiral matapos na maabsuwelto si De Lima sa 2nd drug case

Welcome para kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang pagkakaabsuwelto ni detained former senator Leila M. de Lima kaugnay sa illegal drugs charge.

Ayon kay Remulla, umiral ang rule of law at naigiit na ang independence ng hudikatura ay basic foundation ng democratic system, kasunod ng desisyon ng Muntinlupa City regional trial court (RTC).

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Mababatid na maliban kay De Lima, inabsuwelto rin ni RTC Judge Abraham Joseph B. Alcantara ang dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie P. Dayan.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Samantala, sa ngayon, isa nalang ang kaso ni De Lima, pero naghain na ito ng motion to post bail, na pending ngayon sa resolusyon ng trial court. //MHEL PACIA