2nd drug case vs De Lima, ibinasura narin ng korte

Inabsuwelto na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang pangalawa mula sa tatlong mga drug charges na kinahaharap ni dating senadora Leila de Lima.

Dahil dito, isang kaso na lang ang kaniyang kinahaharap kung saan, mayroon na ring nakahaing petition for bail para rito.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ang kaso ni de Lima sa 204 ay mayroong kinalaman sa ‘di umao’y pagtanggap niya ng pera mula sa dating officer-in-charge ng Bureau of Corrections na sa Rafael Ragos.

Ayon sa kaniyang abugado na si Atty. Filibon Tacardon – napagdesisyunan ng Korte na walang sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na tumanggap si de Lima ng P10Million mula sa mga inmates para pondohan ang kaniyang 2016 senatorial campaign.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nagpatibay umano rito ang ginawang pag-kambyo ni Ragos sa kaniyang pahayag kaya nagkaroon na ng reasonable doubt sa kaso.

Sa ngayon, ‘di pa rin siya makalalaya at babalik pa rin sa kaniyang facility sa Kampo Krame. // edited MHEL PACIA via LGD