Bumagsak sa three-month low ang remittances mula sa overseas Filipinos noong Pebrero.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumalabas na ang cash remittances — o ang perang ipinadala sa pamamagitan ng mga banko ay may kabuaong $2.509 billion ng naturang buwan, na mataas ng 1.3% mula sa $2.476 billion noong February 2021, pero mababa naman umano ito kumpara sa $2.668 billion noong Enero.
Kaugnay nito, ang personal remittances o kabuoang transfers na ipinadala sa pamamagitan ng in cash o in-kind via informal channels, ay nasa $2.793 billion, na mataas rin ng 1.2% mula sa $2.759 billion noong nakaraang taon, pero mababa rin kumpara sa $2.966 billion noong Enero.

Ayon sa BSP, ang decline ay maaring dahil sa reimposition ng restrictions sa host countries ng mga overseas Filipinos sa buong mundo sa naturang buwan.