Inihayag ng OCTA Research na halos 20 percent pa ng mga botanteng Pilipino ang hindi pa napa-finalize ang kanilang ibobotong pangulong sa May elections.
Dahil dito, sinabi ni OCTA Research President Ranjit Rye, na maari pang hilingin ng mga presidential candidates ang tinatawag na “soft votes” – para magbago pa ang pipillin ng mga botante.
Mababatid na sa April survey ng naturang research group kaugnay sa presidential preference, napanatili ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang top choice sa 57 percent mula sa 1,200 sample size na may ±3% margin of error, na sinundan ni Vice President Leni Robredo sa 22 percent, pumapangatlo si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa vice presidential bets naman, nangunguna parin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 57 percent, na sinundan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto, pero malayo sa 23 percent.
Paalala ni Rye sa mga botante, huwag ibase ang kanilang boto sa resulta ng mga survey.