Releasing ng HEA sa mga health workers sa Region 12, nagpapatuloy

KORONADAL CITY – NAGPAPATULOY ang releasing ng Health Emergency Allowance (HEA) sa mga private at public health workers sa region 12 para sa taong 2021-2022. Ayon kay Department of Health (DOH) 12 Regional Director Aristides Concepcion Tan na inaasahan na ngayong taon ay matatapos na ang pamamahagi nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ngunit para sa benepisyo sa taong 2023, inihayag ni Tan na wala pang ipinapalabas na pondo ang Department of Budget and Management (DBM).

Aniya, nasa P 1 billion pa ang kailangang pondo upang mabayaran lahat ng mga health workers. Ang Health Emergency Allowance ay dagdag na insentibo sa mga health workers na nagtrabaho noong panahon ng COVID 19 pandemic.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang matatanggap ng mga health workers ay batay sa risk classification ng mga ito katulad ng low risk, moderate risk at high risk.