DEPED Bicol, nakapagtala na ng mahigit 200k enrollees sa iba’t ibang mga paaralan sa rehiyon

BNFM BICOL – NAKAPAGTALA na ang Department of Education (DepEd) Bicol ng aabot sa 295, 452 na mga estudyanteng enrolles mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon batay sa pinakahuling datos ng ahensiya nitong Hulyo 5, 2024.

Albay ang may pinakamaraming datos na naitala na may mahigit 116,161 na mga estudyante, sinundan naman ito ng Camarines Norte na may 39,129, 32,102 naman sa Masbate, may 29,325 sa Sorsogon, Camarines Sur na may 111, 947 at 3,679 naman sa Catanduanes.

Sa kabuoang bilang, 38,010 dito ay mga Senior High School students, 92,933 ay Junior High School students, 164,212 mula sa Elementarya at 297 naman dito ay mga non-graded.

Sa ngayon, hinihikayat ng DepEd Bicol ang mga eskwelahan na makiisa sa pagbibigay ng datos ng mga estudyante na nagpapatala kabilang ang mga Public at Private Schools, State Universities at Local Universities, pati na rin ang Alternative Learning System. # # # Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *