Release ng allowance ng mga academic at ALS scholars ng City-LGU magsisimula na ngayong araw

SORSOGON CITY – Nakaeskedyul na simula ngayong araw, Mayo 23, ang release sa allowance ng mga Academic at ALS Scholars ng City LGU.

Mga 2nd at 4th year SSU students ang unang makatatanggap ng kanilang allowance ngayong araw ng Lunes.

Eskedyul  naman bukas, May 24  ng mga ALS grantees at 1st year students na nag-aaral sa ibang paaralan, 1st year SSU students sa May 26, at  sa May 27 ay mga 2nd hanggang 4th year students mula sa ibang paaralan naman ang nakaeskedyul.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Venue ng aktibidad ang Balay Silangan na matatagpuan sa 2nd Floor ng Old Municipal Building sa Brgy. Talisay, West District, at ito ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 4:30 ng hapon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa City Hall 2nd Floor Lobby naman ang venue ng distribusyon ng allowance para sa mga 3rd Year SSU students at ito ay naka eskedyul sa May 25.